Bilang pagtugon sa 52 Linggo ng Pag-iipon challenge, sinimulan ko na ang pag-iimpok sa pamamagitan ng paghulog ng 100 yen para sa unang linggo at pataas ng 100 yen ulit kada susunod na linggo. Gamit ang mga bagay na makikita sa bahay-bahay natin, tulad ng garapong walang laman, bond paper, printer at sticker, nakagawa na ako ng aking alkansya.
At dahil buwanan ang aking sahod, pagsasabayin ko ang hulog kada apat na linngo. Kaya para sa unang buwan ng taon, Enero, 1,000 yen ang aking ihinulog.
At kung mabubuo ko ang paghuhulog sa loob ng 52 na linggo, imbes na gamitin ko ang aking maiimpok sa pagbili ng bagong gadyet, nais kong gamitin ito upang mag-bless ng iba. Sana ay makatulong ito upang makapagbigay saya sa iba.