Madali ang magpadala o mag-remit ng pera papuntang Pilipinas. Napakaraming ahensya o bangko ang nagbibigay ng ganitong serbisyo. Subalit ang makahanap ng bangko na magbibigay sa iyo ng kakayahang pangasiwaan ang iyong pinansyal na gawain mula sa labas ng Pilipinas ay bibihira.
Ang BPI o Bank of the Philippine Islands ay isa sa mga bangko sa Pilipinas na mayroong internet banking na serbisyo. Maaari kayong magbukas ng account sa alin man sa kanilang napakaraming sangay sa Pilipinas. Magparehistro upang magamit ang kanilang online banking system. Matapos ito, maaari na ninyong irehistro ang pagbabayad ng inyong mga bills online, mga bank account na nais padalhan o paglipatan ng pera.
At kung kayo ay interesadong mag-invest sa stocks, ang serbisyong ito ay kanila ring ibinibigay. At para mapadali ang pagmomo-monitor ng iyong mga pagbabangko, maaari rin ninyong i-download and kanilang BPI app mula sa App Store.
Higit sa lahat, ang BPI ay nagbibigay din sa atin ng kakayahang mag-withdraw sa ating account sa Pilipinas mula sa humigit kumulang na isang milyong Cirrus-affiliated ATMs sa 210 bansa sa buong mundo. Maaari kayong magwithdraw sa pera ng nasabing bansa. May kalakip na halaga ang serbisyong ito. Subalit napakalaking benepisyo ito kung ang kakayahang mapangasiwaan ng lubos ang iyong pinansyal na gawain ang pinag-uusapan.
Kung kaya naman, bakit hindi mo subukan kung ang mga serbisyong ito ang s'ya mong kailangan.