Nuong nag-aaral pa lamang ako sa Tokyo, naging libangan ko ang pagpapalit ng internet service provider. Kahit limitado ang aking pagsasalita ng Hapon, pinipilit ko ang pakikipag-usap sa mga sales staff para makakuha ng magandang promo.
Sa katunayan, ang nagturo sa akin nito ay isang staff ng ISP na ginagamit ko nuon. Namimigay sila ng PSP para sa mga bagong subscriber. At kahit na subscriber na ako, tinanong ko pa din kung maaaro akong sumali. Pinayuhan niya akong ipa-cancell ang aking subscription at mag-apply ng panibago, dahil lampas anim na buwan na ang aking subscription nuon. At kung tama ang magiging timing nang lahat, 15 minutos ka lamang mawawalan ng internet sa pagitan ng paghinto at pagkabit ng bagong linya, makakalibre ka ng dalawang buwan at may bago ka pang gadget, gaya ng PSP, iPod nano o cash back na JPY20,000. At maaari mo itong gawin kada anim na buwan! Saan ka pa?!
Ngayon, dahil sa tindi ng kompetisyon sa pagitan ng mga phone companies, usong-uso ang cash-back promo kung lilipat ka sa paggamit ng iPhone. Mayroong nangangakong magbibigay ng JPY30K, hanggang 50K. At ngayon, kung dalawa ang lilipat ng sabay, ang cashback ay nasa pagitan ng JPY70K at JPY120K!
Nakakagulat na halaga. Pero kung ating susuriin, ang mga halagang ito ay halos katumbas lamang ng halaga ng phone unit. Maaari mo itong i-apply sa inyong buwanang bayarin para bumaba ito o kunin ang buong halaga makalipas ang dalawa o tatlong buwan.
Kung ating bibigyang konsiderasyon ang tinatawag na time value of money, ibig sabihan ang JPY100 mo ngayon ay higit ang halaga sa matatanggap mong JPY100 makalipas ang isang buwan, mabuting kunin ang buong cashback kaysa ibawas ito buwan-buwan sa loob ng dalawang taon, kabuong period ng iyong kontrata.
Kung susuriing pa nating mabuti, halos parehas lang ang inyong babayaran buwan-buwan kung hindi ka magpapalit. Talo ka pa dahil, mas luma ang gamit mong unit kung kayat maaaring mas mabagal pa ito. At kapag nakakapagpalit ka na, maaari mo pang ibenta ang iyong lumang unit.
Kung kayat, maliban sa pagpapalit ng inyong e-mail address, mas malaki ang benipisyo ng pagpapalit ng phone carrier.
Kung kaya, lipat na kabayan!