Sa panahon natin ngayon na maraming bagay ang patuloy na nagbabago, kung nais nating hindi matangay sa agos ng buhay bagkus pagwagihan ito, kailangang nating ipagpatuloy ang paghasa ng ating talino.
Sa aspeto nang tamang paghawak ng ating kabuhayan, ito ay hindi madaling gawin. Hindi lahat sa atin ay nabiyayaan ng natural talino para dito. Subalit hindi ibig sabihin nito na ang kakayahang ito ay kailan man ay hindi natin makakamtan. Hindi nating kailangang bumalik sa paaralan. Maari tayong matuto sa iilang mga tao na naging bokasyon ang pagbahagi ng kanilang kaalaman upang magawa din natin ito.
Isa sa mga taong ito ay si Chinkee Tan. Nagsimula sa pag-aartista, ngayon siya ay mas kilala bilang isa sa mga matagumpay na wealth coaches natin sa Pilipinas. Naging bokasyon na ni Chinkee ang tumulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pananalita tungkol sa tatlong bagay: paano gumawa ng yaman, paano papalaguin ito, at higit sa lahat, paano ang tamang paghawak upang mapanatili ito.
At isang magandang balita! Si Chinkee ay darating dito sa atin sa Japan upang magbigay sigla, at higit sa lahat, magturo ng kanyang nalaman nang walang bayad. Ang napakagandang oportunidad na ito ay magaganap sa tulong ng Alveo, isang Ayala Land Company. Ang detalye ay ang mga sumusunod:
What: 4 Things You Need to Do to Create Lasting Wealth
When: 22 March 2014 (Sabado)
2-4PM (unang sesyon)
4-6PM (pangalawang sesyon)
Where: 8F Shibuya T’s Flag, 33-6 Udagawa-machi, Shibuya, Tokyo
Kayo ay malugod naming inaanyayahang dumalo. Mag-email lamang sa [email protected] o tumawag sa 090-9103-8719, upang magpareserba ng puwesto.
Maaari din kayong mag-rehistro dito sa website. Pumunta lamang sa "Event" page at i-fill up ang registration form.
I-check lamang ang mapa para matiyak kung papaano pumunta sa venue.
Sama-sama tayong matuto at sumaya!