Ito ay ang unang bahagi ng naipahayag na artikulo na mayroong parehong pamagat sa seksyong Komunidad ng Daloy Kayumanngi, March 2014. Kung nais nyong makatanggap ng kopya ng nasabing pahayagan, maari lamang pong bisitahin ang kanilang website sa http://www.daloykayumanggi.com/recent-issue
20 years. Yan ang kabuong taong inilagi ko sa paaralan. Marami ang nagtatanong kung hindi daw ba ako napagod sa haba ng inilagi ko dito. Isang maikling sagot lamang ang palagi kong nasasabi, “Hindi naman.”
Ngunit sa aking pagmumuni-muni, ang mag-aral ang isa sa mga bagay na talaga namang gustung-gusto kong gawin. Para sa akin, ito ay isang mapagpalayang gawain. Sa panahon natin ngayon na maraming bagay ang patuloy na nagbabago, kung nais nating hindi matangay sa agos ng buhay bagkus pagwagihan ito, kailangang nating ipagpatuloy ang paghasa ng ating talino.
Sa aspeto nang tamang paghawak ng ating kabuhayan, ito ay hindi madaling gawin. Hindi lahat sa atin ay nabiyayaan ng natural talino para dito. Subalit hindi ibig sabihin nito na ang kakayahang ito ay kailan man ay hindi natin makakamtan. Hindi nating kailangang bumalik sa paaralan. Maari tayong matuto sa iilang mga tao na naging bokasyon ang pagbahagi ng kanilang kaalaman upang magawa din natin ito.

Isa sa mga taong ito ay si Chinkee Tan. Nagsimula sa pag-aartista, ngayon siya ay mas kilala bilang isa sa mga matagumpay na wealth coaches natin sa Pilipinas. Naging bokasyon na ni Chinkee ang tumulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pananalita tungkol sa tatlong bagay: paano gumawa ng yaman, paano papalaguin ito, at higit sa lahat, paano ang tamang paghawak upang mapanatili ito.
Ang kanyang unang libro, “Till Debt Do Us Part” ay bumenta ng higit kumulang sa 60,000 na kopya sa buong Pilipinas. Nasundan pa ito ng tatlong libro: “For Richer For Poorer,” “Rich God Poor God,” at “How I made My First Million in Direct Selling and How You can Too!” Siya ay nagsusulat din sa ilang piling pahayagan at kasalukuyang may programa sa radio, ang “Chink Positive” sa 92.3 NewsFM. Ang kagalingan ni Chinkee ay nabubukod tangi dahil sa kanyang kakayahang pagsamahin ang pagtuturo at ang pagbibigay saya habang ginagawa ito. Kung kaya’t siya ay binansagang ‘Edu-tainer.”

At isang magandang balita! Si Chinkee ay darating dito sa atin sa Japan upang magbigay sigla, at higit sa lahat, magturo ng kanyang nalaman. Walang bayad ang napakagandang oportunidad na ito, regalo sa atin ng Alveo, isang Ayala Land Company. Ang detalye ay ang mga sumusunod:
What: 4 Things You Need to Do to Create Lasting Wealth
When: 22 March 2014 (Sabado)
2-4PM (unang sesyon)
4-6PM (pangalawang sesyon)
Where: 8F Shibuya T’s Flag, 33-6 Udagawa-machi, Shibuya, Tokyo
Kayo ay malugod naming inaanyayahang dumalo. Mag-email lamang sa [email protected] o tumawag sa 090-9103-8719, upang magpareserba ng puwesto.

At huwag din kalimutang magdala ng kopya ng Daloy Kayumanggi upang makakuha ng regalo mula sa Alveo/Ayala at Daloy Kayumanggi. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang event section ng ating website: www.buhaygaijin.weebly.com.