Para sa mga kapwa ko OFW sa Japan na nagbabalak umuwi sa atin sa Pilipinas, huwag kalimutang kumuha ng OEC (overseas employment certificate) mula sa tangapan ng POEA sa ating embahada dito sa Japan. Maaaring maantala ang inyong pag-alis mula sa Pilipinas kung hindi nyo ito maipapakita sa airport.
Mas madaling kumuha nito habang nandito kayo sa Japan kaysa sadyaing pumunta sa POEA sa Ortigas. Mas madali at menos bawas sa oras na nakalaan para sa inyong bakasyon.
At upang maiwasang lumiban sa trabaho para kumuha ng certificate na ito, maaari na daw tayong humingi ng kopya sa pamamagitan ng pagtawag o email. Maki pag-ugnayan sa tanggapan ng POLO OWWA sa embahada natin dito sa Japan sa numerong 03-5562-1573 o kaya naman, i-email sila sa [email protected].
At kung mayroon ka ng certificate, hindi mo na kailangang magbayad ng travel tax, isang benipisyo bilang isang OFW.