Huwag hayaang maantala ang inyong pagbiyahe mula Manila sa pamamagitan ng pag-alaala sa mga sumusunod:
1. Siguraduhin na nakakuha na kayo ng OEC (overseas employment certificate) mula sa POEA (sa pinakamalapit na sangay ng ating Embahada o sa kanilang tanggapan sa Pilipinas).
2. Pagdating sa airport, ipa-validate ito sa OFW section bago mag-check in.
3. Kung kasama ninyo ang inyong kabiyak o anak sa pagbiyahe, kailangan pa rin ninyong magbayad ng travel tax para sa Kanila.
4. Siguraduhing may dala kayong kopya ng inyong marriage certificate at birth certificate ng inyong anak upang makakuha ng discount para sa kanila. Kung hindi, ang kabuuang presyo na nagkakahalaga ng Php1,620 bawat isa ang kailangan ninyong bayaran.
5. Kailangan din ninyong magbayad ng terminal fee, Php550, bago dumulog sa immigration window.
Maraming kailangang bayaran at gagawin kung kayat makakatulong kung ito ay inyong mapapaghandaan.